Selda
- USTSS
- Sep 25, 2018
- 1 min read
Sa pagmulat 'ko ng aking mga mata,
Tila parang ako'y nasa isang kulungan
na naglalaban na damdamin
Kung mananatili o tatakas sa apat na sulok
ng seldang walang maliw
Sa pagputak ng kamalian, sa pag-utos kung
anong dapat maramdaman
Pagtulong o pagkulong?
Tungkulin nga ba o pag-aalipin?
Naririndi na ako sa mundong patuloy na sumisigaw
ng mga lamat na nagsilbing galos na kumatawan sa akin
Sa pagpikit 'ko ng aking mga mata,
Katahimikan at kapayapaan ang nakikita
Ngunit nabingi na sa mga tinig na nagpupumilit
maging isang himig
Imumulat 'ko pa nga ba ang aking mga mata?
O tuluyan nang ipikit at ilibing ang sarili?
Tulong,
Tulong ang hiningi 'ko
Hindi pagkulong.
By Daffney Danielle Cuchado
Comments