top of page
Writer's pictureUSTSS

Distansya't oras

Daffney Danielle Cuchado


Walang mga bakas ang iniwang pag-ibig Kung mananatili ba ito sa sandaling pag-kabig Sa oras na napakabilis na maglapit At sa distansyang pilit naglalayo sa ating pagkapit

Mananatili pa rin ba ang mga ngiti sa iyong mapupulang labi? Mananatili pa rin ba ang saya sa tuwing tayo’y magkasama? Mananatili pa rin ba ang sakit, sa pagkabalisa ng mga matang nakapikit? Mananatili pa rin ba ang init sa tuwing tayo ay magdidikit? Mananatili pa rin ba ang matatamis na halik sa oras na ika’y magbalik?

Mananatili ka pa rin ba..

Mananatili ka pa rin..

Mananatili ka..

Mananatili..


Sana. Dahil pinanghahawakan ‘ko ang pangakong nagmistulang Istatwa sa pagkulong sa akin Ang tali pa rin ba’y nakakapit? Kahit na

Napakabilis ng oras maglapit At pilit pinaghihiwalay ng distansya Ang ating pagkapit?

34 views0 comments

Recent Posts

See All

Waves

Vivien Clarisse Leynes Every minute We drift upon the Earth’s surface. Eager to explore The wonders waiting at each floor. Until, We...

Comrade

Patricia Faye Ladisla | June 13, 2018 At an early age, I was taught that love should be reciprocal That love should be given away, and...

Faux Pas

“Hell is other people”-Jean Paul Sartre In the public eye, One is always on trial. A jury forms. Condemning, your every move. Witnessing,...

Comments


bottom of page