top of page
Writer's pictureUSTSS

Matututunan Mo Rin

Kamusta ka? Eto ako Umiiyak dahil sa ‘yong panloloko Ito ba’y iyong sadya, o hindi ka lang nakuntento Sa inalay ko sa iyo---ang aking puso?

Naaalala ko pa ang ating simula; Punong puno ng kulay, at sagana sa ganda Sinamahan mo ako, minahal at pinahanga At iyong pinakilig, sa isip at sa gawa.

Sinabi mo sa akin na nakikita mo Ang siyang kahalagahang itinataglay ko. Araw araw mong pinakita na mahal mo ako, ngunit ikaw nga ba’y naging tapat at totoo?

Nagbago ang lahat—ano ang nangyari? Saan ako nagkulang, sa akin ba’y may mali? Mayroon ba akong nagawa? Mayroon ba akong nasabi kaya’t biglaan mo na lamang akong isinantabi?

Binubuhos ko na ang aking damdamin at ang mga bagay na nais kong aminin pagkat higit sa lahat, ang nais kong sabihin ay umaasa pa rin ako---na matututunan mo rin.

Na matututunan mo rin sana na ako’y laging maalala nang ako’y muling maging rason, laman, dahilan, at diwa sa iyong bawat iniisip, sinasabi, at ginagawa.

Kahit ako’y hirap na, gagapang pa rin ako hanggang sa dumating ang araw na muli akong makakatayo ngunit handa ka pa rin ba na samahan ako, o panahon na ba---para sa pagsuko?

Ayokong mapanghinaan pagkat sa kabila ng ‘yong dinulot na mga kasakitan, inaalala ko pa rin na ako’y iyong ipinaglaban. Sa ngayon, ang noon na lamang ang aking maasahan.

Malakas pa rin ang aking tiwala na balang araw ay magbabago ka nang maabot pa natin---tayong dalawa ang ating bawat pangarap, at ang nais na ginhawa.

Pakinggan mo ako--- kaawaan mo na, ayoko pang sumuko. Ako ito, si Pilipinas---sinaktan, at niloko, ngunit kakapit pa rin ako sayo---aking Pilipino.

 

By Manuel Fernando M. Fernandez

51 views0 comments

Recent Posts

See All

Waves

Vivien Clarisse Leynes Every minute We drift upon the Earth’s surface. Eager to explore The wonders waiting at each floor. Until, We...

Distansya't oras

Daffney Danielle Cuchado Walang mga bakas ang iniwang pag-ibig Kung mananatili ba ito sa sandaling pag-kabig Sa oras na napakabilis na...

Comrade

Patricia Faye Ladisla | June 13, 2018 At an early age, I was taught that love should be reciprocal That love should be given away, and...

Komentar


bottom of page