top of page
Writer's pictureUSTSS

Buhay-Socio

Isinulat ni Anthony Mari Oriondo | September 18, 2018.


 

File Photo

Si Ginoong Roel B. Robles ay nagtapos ng kanyang Bachelor’s degree major in Sociology sa Unibersidad ng Santo Tomas noong taong 2008. Pinili niya ang kursong Sosyolohiya dahil sa suhestiyon ng kanyang kaibigan tungkol sa disiplinang ito. Sa kanyang pananaliksik sa kung ano at tungkol saan ang kursong ito ay natuklasan niya rin na simula mataas na paaralan pa lamang ay may angking hilig na siya sa mga paksa ng Araling Panlipunan. Noong mga panahong ito ay dalawang kurso lang ang kanyang pinagpipilian, ang Pag-iinhinyero (Engineering) o Musika sa kadahilanang, siya ay galing sa pamilya ng mga inhinyero kaya bata pa lamang ay pinalaki siyang may interes doon ngunit siya ay may ibang landas na nais tahakin. Sa kabilang dako naman, naging isang angking interes din niya ang Musika, partikular na sa klasikal na gitara. Ngunit dahil sa mga konsiderasyong tingin niya ay mas praktikal, mas pinili niya ang sosyolohiya. Nanaig ang kanyang interes sa Sosyolohiya dahil ito ang disipilina na tingin niya ay nakatuon sa intelektwal na pag-aaral.


Masaya at natatawang ibinahagi ni Ginoong Roel ang rason kung bakit Sosyolohiya ang pinili niyang kurso at hindi ibang kursong pang-araling panlipunan. Gaya ng maraming tao, nagsimula daw ito sa miskonsepsiyon, nasabi din niya na “[Ka]pag nandoon ka na sa mismong pag-aaral, doon mo mauunawaan kung ang miskonsepsiyon mo ay mali o ang miskonsepsiyon mo ay miskonsepsiyon nga”. Sinabi din daw kasi sa kanya ng kanyang kaibigan na kung ang hilig niya ay mag-obserba ng mga tao ay Sosyolohiya ang kunin niyang kurso, kaya’t ayun ang kanyang miskonsepsiyon. Ang buong akala niya dati na ang ginagawa ng mga sosyolohista ay ang pag-aaral ng kaugalian ng mga tao, na kanyang napagtanto na mas akma sa Sikolohiya. Nung sumailalim siya sa proseso ng pag-aaral nito, mas naintindihan niya ang disiplinang iyon at doon lumitaw kung ano talaga ang Sosyolohiya; nabanggit niya na ito ay isang walang-hintong proseso dahil 1) May miskonsepsiyon 2) Napapalakas o napapatunayan yung miskonsepsiyon 3) Mas madaming matutunan sa larangan ng trabaho. Hindi niya pinagkaila na kahit daw sa ibang disiplina ay meron ding mga miskonsepsiyon at hindi iyon mawawala dahil lagi tayong may puwang para sa mga agam-agam kung tama ba ang pinasok na kurso o hindi, tingin niya ito ay karaniwang nangyayari sa lahat ng tao na iniiisip ang kanyang patutunguhan sa buhay.


Ibinahagi din ni Ginoong Roel ang kanyang saloobin tungkol sa paksang “Paano malalapat sa trabaho ang mga natutunan sa Sosyolohiya?”. Sabi niya na pagdating sa trabaho, mali na asahan na lahat ng natutunan sa eskwela particular na sa kolehiyo ay parang lapat na lapat sa trabaho; ngunit sa halip ay mas makikita ang mga “values” na nabuo habang nagpapatuloy sa kurso, yun talaga ang malalapat sa trabaho anuman ang karerang napili kapag nagtapos. Sa kanyang kaso, ang kanyang nalapat sa trabaho ay ang mas napaundlad niyang kritikal na pag-iisip. Sabi niya na ang mga kasanayan na binibigay ng sosyolohiya ay ang kakayahan na makita ang halata sa di-halata at makita ang di-halata sa halata na napakahalaga sa larangan ng trabaho. Kasi ang sosyolohista daw ay mas handa dahil nakikita nila ang “nuances” sa trabaho dahil mayaman ito sa datos at pagsusuri. Sabi pa ni Ginoong Robles, kapag taglay ang mga katangiang nabanggit, nagkakaroon ng mas matalas na posisyon upang gumawa ng mas mahusay na mga desisyon. Meron na daw kritikal na pag-iisip, meron pang kritikal na pagsusuri, tapos isama pa ang isang aspeto na itinuturo ng sosyolohiya o ang tinatawag na “group dynamics” na kailangan sa trabaho upang magkaroon ng magandang diwa ng pakikisama. Sabi pa niya na hangga’t nakatanim ang mga katangian at kapasidad na nabanggit, kayang kaya na mabuhay sa kahit anong larangan na papasukin.


Para sa huling paksa na ibabahagi ni Ginoong Robles, ang katanungang “Ano ang kabuluhan ng Sosyolohiya sa lipunan/bansa?”. Tugon ni Ginoong Robles na nasa malungkot na kundisyon ang Sosyolohiya dahil ito ay nasa lipunan o bansa na hindi alam ang halaga ng disiplinang ito. Sabi pa niya na sila Ma’am Peppin at yung iba pang mga sosyolohista, meron silang tonelada ng mga pananaliksik na may magagandang paliwanag ngunit ang laging hinahanap ay yung mga paliwanag na pang-ibabaw lamang at hindi ang mas malalim na paliwanag na natatangi kung tutuusin. Hindi daw masyado napanghahawakan mabuti ng mga gumagawa ng patakaran ang Sosyolohiya. Iyon daw ay isang tunay na nakakalungkot na bagay dahil napakadaming kaalaman na nabibigay ang Sosyolohiya, lalo na sa mga problema na meron tayo sa paligid kagaya ng isyu sa trabaho, pulitika, pagpreserba sa kapaligiran at iba pa. Sabi pa niya na laging may “input” ang mga sosyolohista dahil sa yaman nito sa datos. Nararamdaman ni Ginoong Robles na ang tingin sa input ng sosyolohista ay simple, sa lebel daw ng napapanood niya sa balita at telebisyon, parang tinitignan lang ito bilang propesyonal na opinion at hindi masyado tinitignan sa mas malalim na pag-unawa ng pag-aaral.

Mensahe ni Ginoong Roel

Para sa mga fourth year students…

“Siguro ipapasa ko nalang yung advice sakin ni Ka Puroy (Sir Froilan Alipao) noon, ‘Magtrabaho kayo’. Kasi sa pagtatrabaho, dun mo mar-realize kung saan ka ba talaga dapat lulugar eh once that you are actually part of the workforce. As it turns out that advice worked very well for me so yeah pagka-graduate niyo, magtrabaho kayo.”


Para sa mga first year students…

“To be honest wala akong maibibigay na advice kun’di just do what works for you. Kung nagw-work sayo ang Sociology then stay, pag hindi pursue mo yung ano man na gusto mo.”

151 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page